Search TV Shows Here:
Ang pintuan ng bahay ni Kuya ay magbubukas na bukas para sa mga bagong housemates. Mula sa record breaking na 57,824 auditionees, fifty hopefuls ang napili para sa Pinoy Big Brother Double Up. The official number of housemates will depend on results of the subsequent casting process.
Here are some clues in the Top 50 Housemates in PBB Season 3:
* Manila - 11 possible housemates
* Pampanga / Tarlac - 6 possible housemates
* Baguio - 4 possible housemates
* Cebu / Bohol / Roxas - 8 possible housemates
* Butuan / Davao / Gen. Santos - 10 possible housemates
* Batangas / Cam Sur - 6 possible housemates
* Europe - 5 possible housemates
PBB Season 1 Big Winner
Nene Tamayo
PBB Season 2 Big Winner
Beatriz Saw

Status: Teleserye
Premiered: March 23, 2009
Show Categories: Action/Drama
Hmmm.. ano nga ba masasabi ko dito? Ah! sa limang araw ko na panonood dito, tingin ko di masyadong makatotohanan.. sa scene na nakita ko last week, yung pinapaputukan ng mga kontrabida si Zorro gamit ang kanyon parang may mali kasi pataas ang tutok ng kanyon pero ang putok sa baba mga 2 meters away lang.. haha! tawa kami ng tawa halatang halata e.. pati mga baril halata rin.. hay naku ayoko ko na tong panoorin, parang nang-uuto eh.. pero in fairness maganda ang setting pati mga costume ng mga artista, maganda rin ang kwento may sense yun nga lang yung acting ng ibang artista parang dula-dulaan lang ng mga high school student yun din siguro ang reason kung bakit parang di makatotohanan.. madali akong umiyak lalo na kung drama pero sa zorro di man lang ako naluha, di ako nadadala, natatawa pa nga eh..
Airs Next: ABS-CBN on Primetime Bida
Status: Teleserye
Premiered: February 2, 2009
Show Categories: Drama
Gustong-gusto ko ang teleseryeng ito. Lagi ko itong pinapanood gabi-gabi. Saludo ako sa ABS-CBN sa pagpapalabas nito sapagkat talaga namang napapanahon ngayong krisis.
Nakakatuwa at nagkaroon ng ganitong palabas na tunay na kapupulutan ng aral at nakapagbigay ng pag-asa sa mga taong nawawalan nito.
Ito'y kwento tungkol kay Santino isang batang lumaki sa monasteryo at inaalagaan ng mga pari. Isang batang nakakausap si 'Bro' (Jesus Christ) at nakakagawa ng milagro.
Nakakaantig ang bawat eksena lalo na pag kinakausap ni Santino si Bro na parang kapatid o kaibigan nya lamang. Pakikipag-usap na dapat din nating tularan sa pananalangin.
Panoorin nyo po ang teleseryeng ito, maiiyak kyo, matuto, magigising at matutuwa sa batang bida na si Santino (Zaidjan Jaramilla).